Uzzap Community Forum
Welcome to the Uzzap Community Forum - The Unofficial Forum Site for Uzzap Chatters. Please login or register now!

Ang Mga Lalake Talaga oo..

View previous topic View next topic Go down

Ang Mga Lalake Talaga oo..

Post by Mr.like on Thu Dec 30, 2010 2:11 am

Kaming mga babae na naman ang nakita. Lalake,
agrabyado. Lalake, kinakawawa. Lalake, hindi maintindihan. Hmmp, parang
masyado yatang nagisa ang mga kabaro ko.


Tungkol sa pagiging
patas sa ngalan ng pag-ibig, kami naman ang laging talo a, hindi kayo.
Kami ang laging lugi, kami ang laging nawawalan at iniiwan.


Kapag
ngumiti ka na ng konti, nag-ayos ng konti pagkakamalan ka nang malandi.
Hindi pangseryosohang relasyon. Marinig lang nila na malakas kang
magsalita, palengkera ka na. T.O. kagad sa kanila iyon. Mahilig silang
tumingin sa mga babaeng sexy manamit, kulang nalang makita na kaluluwa.
Pero kapag babaeng seryosohin at gustong ligawan dapat disente, dapat
mala-anghel ang mukha, dapat mukhang inosente. Tapos kami pa raw ang
mahilig mamili? Parang baliktad yata?


Ok, ayan nanliligaw na si
lalake. Dapat pakipot ka para suyuin ka, para habulin ka pa lalo. Kapag
hindi ka naman nagpakipot "easy to get" naman ang tingin sa iyo. Hindi
ka na seseryosohin. Sino bang may sabing magpaalila kayo, di naman
namin hawak ang buhay niyo. Natural lang na magtiis kayo, may gusto
kayo sa amin eh. Kapag nakuha niyo na iyon wala na lahat ng mga
paghihirap niyo, babaliktad na ang sitwasyon kami naman ang
mamromroblema. Para lang kayong may gustong bilhin na bagay. Upang
mabili ito kailangan munang magsakripisyo, magtipid, magtiis. Pag
nabili na at napagsawaan wala na, balewala na. Diyan ka na sa
tabi-tabi. Tawagan nalang kita pag trip ko o kaya'y pag may gusto akong
ipagawa sa iyo.


Ano pa ba? E di sinagot mo na diba. Utang naloob
pa natin yun. Dahil naghirap daw sila sa panliligaw dapat masuklian
natin iyon ng higit pa. Sa umpisa kailangan malambing ka, maayos at
laging magsisilbi sa kanya. Ayaw daw nilang humawak ng relasyon, pero
kapag ikaw naman ang nagmando, aba, masasakal naman. Sasabihin pa sa
iyo "demanding" ka. Meron ka pang maririnig na "I think we need space"
at kung anu-ano pang ek-ek. Sino rin may sabing di dapat kami
magpakabait, maging devoted at faithful? Kapag kami ang sumaway niyang
mga iyan, iba na ang tingin sa amin. Malandi na kami, haliparot,
pakawala, makikay at kung anu-ano pang mga bansag ang itatawag sa amin.
Kapag kayo gumawa noon, ok lang. Lalake kayo eh, macho kayo pag ginawa
niyo iyon. Kaya kami. Walang magawa. Magpapakaburo at magpapakamadre
nalang. Kapag nagloko na kayo ano pa bang magagawa namin? Eh di iiyak
nalang. Wala namang ibang magagawa eh.


Tungkol naman sa
tinatawag niyong pagdedemand namin. Hindi kami nagdedemand! Karapatan
lang namin iyon. Karapatan namin na lambingin niyo kami, icheck at
ipakita sa amin na mahal niyo kami.


Hindi rin ibig sabihin na
mas sincere kayo sa amin. Seryoso rin naman kami ah. At ang maturity
wala yan sa edad. Mas maaga nga kaming magmature sa inyo. Ang isang 19
year old na lalake eh, isip 15 pa yun. It follows iyan sa lahat ng age
group. Mas mataas pa nga kung minsan ang pagbawas ng level of maturity.
Kayo na ang mag-math. Pati yung pag-iyak namin pinupuntirya niyo. Kesyo
drama daw. Diba kapag umiyak ka nagbuhos ka ng emosyon diyan. Ano
tingin niyo sa amin mga artista?!


Alam niyo iyon? Yun bang
kulang nalang ay lumuha ka na ng dugo, pero hindi ka pa rin papansinin.
Sasabihan ka pang tigilan na ang pagdradrama. Hindi nila kami
maintindihan kapag nagseselos kami. Bakit naman kami magseselos kung
wala kaming nakikita? Mas iba kaming magmahal. Mas masarap.


Kapag
natapos na ang lambingan, eh di siyempre iwanan blues na. Kami pa raw
ang nagsawa, kami pa raw ang nagtritrip lang. Sino ba ang lumalayas
kapag may nakita nang bago, sino ba ang mayabang, sino ba ang
nagmamalaki? Kami ba? Kami ang walang choice. Kasi ang babae pag
sinabing "break na tayo" lambingin lang iyan ng konti balikan blues na
iyan.


Kapag ang lalake ang umayaw, pucha, bahala ka diyan. Kahit
mag-tambling ka pa sa harap niya. Wa-epek. Umiyak ka ng bato. Wa-epek.
Tsk, tsk, tsk. Tapos sila pa raw ang kawawa.


Post-break up,
mahal pa ng babae si lalaki. Sasamantalahin ni lalaki. Magpapagawa ng
kung anu-ano. Naaalala ka lang kapag may kailangan sa iyo. Kapag
pumangit ka after the break up, magpapasalamat sila na iniwan ka nila.
Kapag gumanda ka naman, ipagkakalat nila sa buong sangkatauhan na
naging girlfriend ka niya. Sala sa init sala sa lamig talaga.


Ano
ba namang buhay to? Ang hirap ding maging babae ano. Kala nila laging
sila nalang. Lagi rin kaming naiiwan sa ere. In-love din kami.


Ang mga lalake talaga, oo.
avatar
Mr.like
Member
Member

Posts : 24
Join date : 30/12/2010
Age : 24
Location : ANGONO RIZAL

http://www.uzzap.all-forum.net

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum