Uzzap Community Forum
Welcome to the Uzzap Community Forum - The Unofficial Forum Site for Uzzap Chatters. Please login or register now!

Ang Gamot sa Nagdurugong Puso

View previous topic View next topic Go down

Ang Gamot sa Nagdurugong Puso

Post by Mr.like on Thu Dec 30, 2010 2:08 am

I
really don't know how I came up with this... eh una sa lahat wala naman
ako prob sa lablayp.. pero wala lang... kahit sabihin kong masaya
ako... parang di pa rin ako mapalagay na nakikita at naririnig na sa
mundong ito, may mga nasasaktan pa rin... at ang masakit pa nun... ang
iba dun ang mga kaibigan ko. I've been hurt so many times na in my life
na, minsan pa nga.. mismong kakain ako ng big mac eh tetext ako ng gf
ko na pagalit.. ayun... sira na na naman ang araw ko..

Ung mga
iba ko namang kaibigan, mas matindi pa ang storya.... pinagpalit daw
sila sa iba... kunwari sila ang liligawan, pero ung naglakad pa sa
kanila ang siyang nakatuluyan ng lalaki.... hanubayun! Whatta sawi
moment na maituturing.. pero I made her realize na love is unfair
tlga.. lalo na pag ikaw ang nadehado. Parang naging survival of the
fittest na nga ang nangyayari ngayon sa pag ibig eh... ung tipong pag
maganda ka, gwapo ang makakatuluyan mo, at kapag pangit ka, laking
tsamba lang pag may hitsura pa ang napili mo. Eh ako naman di ganun
kagwapuhan, di rin cute, minsan lang masabihan na may hitsura, eh di
rin pinaligtas ng pag ibig.. haay... puro peklat na tlga tong puso
ko.... dahil na rin cguro sa mga sugat noon.

Ilang taon din
akong nagtiis na walang minahal.....or should I say walang nagmamahal
sa kin? That was the worst period of my life. Ung tipong mahal ko lang
ang sarili ko dahil no choice eh.. la naman nagmamahal sa kin, wala nga
nagkakagusto sakin.. san pa ako? BUT as they always say.... In every
cloud, there's a silver lining. Oo tama, dahil sa mga panahong hirap
ako sa labylayp.. natutunan ko na rin ang mag survive sa hirap at sakit
na dulot ng pag ibig. Nanjan ung aliwin ang sarili sa barkada, pagbabad
sa bilyaran o sa computer, pag aliw sa sarili ng ilang oras sa chat...
o kaya'y ubusin ng husto ang laman ng ref mo, at sa mga babae naman, eh
mag pa parlor, punta sa bahay ng bespren... lahat na para lang
makalimutan ang mapait na nakaraan.

So ano nga ba tlga ang mga gamut sa nagdurugong puso?

IT IS NOT WHAT YOU DO THAT MAKES THE DIFFERENCE, BUT HOW YOU THINK.

Kahit
libutin mo na ang buong luzon para kalimutan cya, kung hindi pa rin
magbabago ang mindset mo about love.. sorry dude. WA EPEK... as in
wala.. blanko... void.... null... empty set... zero percent... kapos...
mintis... airball.... eh bakit?

Material pleasure can't
compensate for the pain ur heart receives..... and pag ang heart eh
nasaktan.. apektado na rin malamang ang utak.. coz they are in mutual
status... masaktan ang isa.... masasaktan na rin ang kabila. Try
changing ur mindset..... kung baga sa computer e kung panay palpak ang
ginagawa ng hardware mo, at nagtataka ka kung bakit nakailang palit ka
na eh sa karton pa rin ang ending nya, eh baka sa software na mismo ang
problema, d b?

Kung basted ka ng babaeng mahal mo... drinking
every night and bar hopping won't do you good, tska gastos lang yan.
Lying in ur bed the whole night and rolling there like a lumpia won't
help yah ease the pain. Dapat alam mo na ang gagawin.... PRAY. KAhit
gano ka pa ka demonyo eh sa pagdarasal pa rin ang tuloy mo dude. Totoo
un. FInd a time alone na one day, kausapin mo Siya na parang kabarkada
mo lang cya.. talk to Him as if kausap mo ang pinaka close na tao sa
buhay mo... He can touch the hardest hearts and the vainest minds. He
did that to me and im sure magagawa din nya sa inyo un.

Sa mga
iniwanan ng kanilang bf/gf eh wag na wag kayo manonood ng mga movies na
may IWANAN na tema.. its like jumping into a quicksand... lalo nyo lang
nilubog ang sarili nyo.. sa mga nagsesenti naman... o cge oks lang
yan... kasi ako rin ganun e.. d ba nga ang music is the choir of your
heart? kahit ga BALDE na ang luha mo kaiiyak sa tune ng One last Cry ni
Brian mcKnight eh oks lang un... kahit in reality hindi. Try
straightening ur goals, point of views, or beliefs. Ano ba tlga ang
gusto mo mangyari sa buhay mo? Sa lablayp mo? Siya ba tlga ang mahal
mo? Kung siya tlga at di ka nya mahal, is it necessary ba tlga na dapat
maging kayo para sumaya ka? Unconditional ba tlga ang love mo for him?
Eh bakit naghahanap ka ng kapalit na pagmamahal? Bakit ka nasasaktan
pag nalaman mong di ka pala mahal? Ano ba tlga ang definition mo ng
loving someone? Bukal ba sa loob mo na masaya ka for her kahit hindi
ikaw ang reason ng kanyang happiness? May umiibig bang hindi nabibi go?
Pwede ka bang magmahal na hindi nasasaktan?

ANong gusto mo,
magmahal na masaktan, o hindi mahalin? You see, asking yourself these
questions might straighten those curly love lashes of yours. Don't
think of ur inferiority, ung tipong kesyo pangit ka, may pimples ka,
kulang ka sa height, kulang sa pera.... Kasi if the girl or guy dumped
you dahil lang sa kakulangan mo sa pisikal na bagay, eh hindi tlga cya
deserving na mahalin.. pramis. Ibang tao lang tlga ang bagay para sa
kanila. Ikaw ba ung tipong tao na nakikita ang love in a black and
white scale? Well...its now the right moment to realize na ang love
have gray spots in it.. na hindi lahat ng tama ay tama at di lahat ng
mali ay mali. BEing not open to these gray spots would spell disaster
sa inyong "Getting over" na stage...

Ano ba talaga tong gray
spots na to? Ung tipong people who tend to fall out of love... hindi sa
nagsasawa pero bigla na lang nila nalalaman na hindi na pala nila mahal
ung gf/bf nila.. there's nothing really wrong about it (sa isang
side).. kasi ganun tlga... di naman din nya sinadya na mahalin ka eh..
eh malamang di rin nya sadya ang mawala ang love nya... tamang isipin
natin na love is a feeling... but it is not a decision... the decision
part comes only when it concerns MAINTAINING the love... so as long as
there's a feeling of love.. may decision kang i maintain un.... but un
nga.. WHAT'S THE POINT OF MAINTAINING SOMETHING NA WALA NA TLGA? Eh
kung wala nang love... eh wala na tlga. Kung tumagal man kayo, baka awa
na lang ang nararamdaman niya to you. That's why it is important na ma
clarify mo ang sarili mo sa mga ganitong gray spots....

Wala
kang gelplen or boyplen....... SO WHAT'S THE BIG DEAL? sa unang tingin
nakakainggit.. kasi nga may ka holding hands sila.. may natatawagan
para mag gudnyt at i love you at kung anong klaseng panlalambing....
pero kung tutuusin... may kanya kanyang advantage at disadvantage ang
pagiging single. disadvantages nga ung nabanggit earlier in this
paragraph. Ang advantage? You can take care of yourself, or pag
nagaaral ka pa eh you can concentrate on ur thesis... Magagawa mo rin
ang di mo magagawa pag meron kayong ka relasyon, tama ba ako? So dont
tell me na hindi ka masaya dahil lang sa wala kang gf/bf.... ang dami
pang single jan, and karamihan sa kanila eh masaya din sa buhay nila..
believe me.

Pero we should also take into consideration na
masarap din ang feeeling ng naaalagaan.. at minmahal d b? Well...
that's where appreciating what your friends do to you comes into play.
Friends or peers will always be there.. ung mga ka barkada mong iniwan
mo sa ere para lang dumamubs sa yong girl eh babalik at babalikan mo
rin bandang huli.... although hindi tlga healthy na sabihing "Haaay
sakit lang sa ulo yang mga lalaki" or "Gastos lang ang alam ng mga
babaeng yan".... we should be fair.... ganun tlga... some will win..
some will lose. There's no point getting lost in ur life... nakagawa
man sila ng mali... sila na ang bahala dun.. they only gave you the
opportunity to react... but not the specfic reaction. Kung nasktan man
tyo, hindi na nila problema un,problema na natin un. Pag ikaw ba eh
nagmukmok sa isang sulok dahil sa ginawa nya eh iiyak ba cya? Hindi. Sa
huli ikaw ang kawawa.

After a break up..... act and look better.
Sa unang rinig eh parang ang hangin ng dating... but the fact is...
kailangan mo talagang gawin to. Why? Imagine you just had a break up
with ur gf or bf.. tapos magpapakaawa effect ka to her... papasuin mo
ang sarili mo ng yosi or maglalasing every night or magpupuyat hanggat
sa magkaron ka na ng eye bags... tpos bigla ka nakita ng X mo... ano na
lang ang sasabihn ng X mo? Kung balikan ka nun eh wag ka na rin matuwa
kasi for sure malaki ang probablity nun eh naawa lang cya sayo. Stand
tall and proud. HEllo?!?!??! Sino ba cya? As if mamamatay ka pag nawala
cya, oo mahal mo cya....

Pero kailangan naman mahalin mo rin ang
sarili mo, a man who can't love himself cannot trully love others..
look better not in a way na makakabingwit ka uli ng mga guys pero in a
way na hindi ka tlga magmukhang talunan. And besides, pag nagkita kayo,
make him/her tell to him/her self... " Gosh!! Yan ba ung iniwanan ko?
How can I let her slip away from m e?" O diba? Kasi kung mukha ka na
tlga losyang o dugyot after ur break up eh baka lalo lang nya naisip na
tama ang naging break up nyo. Explore your world..... kahit mahal natin
ang isang tao... we can't away from the fact na kailangan natin maging
exposed... d b? It's like a butterfly in a bottle of mayonnaise.. di
makawala... di makita ng ibang tao ang kanyang kakayahan at
kagandahan.... and even worse baka mamatay pa un, diba?

Sa mga
probs na ganyan... alcohol and cigarettes don't work. Harapin mo na
agad ang reality na nangyayari ang mga ganung bagay na hindi natin
gusto. PAgsubok lang yan... hindi pa yan kamatayan. Funny coz lagi na
lang sinasabi satin na the Lord God won't give us problems na hindi
natin masosolve... pero still parang nagbibingi-bingian pa rin tyo....
natatakot pa rin tyo...

Obstacles are what you see when you take
your eyes off your goal. Ano ba tlga ang goal mo? Ang magmahal o
magkaron ng gf/bf? If you chose the latter, hindi ka tlga magiging
happy.... Stop looking for love.. start being lovable. Open ur heart to
pain.. coz with pain comes happiness.... happiness na hindi kaagad
nahahanap.. coz it slowly integrates from those little things that you
do for love. Wear a smiling face always.... but dont smile alone...
baliw ang tawag dun. What i mean is people tend to get close to those
whom they know na masaya and maganda ang mindset. Stop talking and
thinking about failures and pain.... coz what you think would most
likely attract you.

But as always, its easier said than done....

Tulad
ko... ang dali kong sabihin to kasi I'm not in a not-so-nice
situation.. pero natutunan ko tong mga toh from my experience na rin
eh... hindi naman tlga madali... pero hindi rin talaga mahirap. It's
all in the mind and the heart. kahit ano pang gawin sayo ng pag
ibig..... always open ur heart.... dapat laging alive.... because you
cannot love with a dead heart. Don't ever tell urself na ikaw ang
pinakakawawang nilalang sa pagibig.... pano na lang ang mga taong
namatayan.... mas masakit un di ba? nagkataon lang tlga na iba iba tyo
ng problema....
avatar
Mr.like
Member
Member

Posts : 24
Join date : 30/12/2010
Age : 24
Location : ANGONO RIZAL

http://www.uzzap.all-forum.net

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum